Ang pag-diskubre ng isang babaeng duguan sa isang istasyon ng tren, humantong sa pagka-diskubre ng kapatid nito ma aka handusay sa loob ng kanilang tahanan

Isang babaeng naliligo ng dugo at mayroong diperensya sa pag-iisip ang nag-sabing sinaksak niya ang kanyang kapatid.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police nuong Miyerkules ang 48 anyos na may sakit sa pag-iisip matapos makitang naka-handusay ang kanyang kapatid sa loob ng kanilang tahanan sa Katsushika Ward,mula sa ulat ng Nippon News Network.

Bandang alas-8:30 ng umaga, isang staff ng Horikiri Shobuen ang tumawag sa pulis station upang ireport ang natagpuang “babae na naliligo sa dugo” sa isang platform. Nang dumating ang mga awtoridad, nag-sabi ito na “sinaksak ko ang kapatid ko.

Ang mga pulis ay binisita ang kanilang tahanan at duon ay natagpuan ang kapatid ng ginang, na nag-eedad na bandang 40 anyos,na naka-handusay  sa loob. Ayon sa mga pulis, ang biktima ay mayroong tama ng saksak sa balikat sa bandang dibdib. Kalaunan ito ay kinumpirmang wala ng buhay.

&nbspAng pag-diskubre ng isang babaeng duguan sa isang istasyon ng tren, humantong sa pagka-diskubre ng kapatid nito ma aka handusay sa loob ng kanilang tahanan
Isang babae ang natagpuang patay sa loob ng kanilang tahanan sa Katsushika ward nuong Miyerkules ng umaga. (Twitter)

Habang tinatanong ng mga awtoridad, ang ginang na mayroong tala ng kasaysayan na mayroong kapansanan sa pag-iisip ay nag-bigay ng kakaibang mga sagot sa mga katanungan sa kanya.

Sa kalaunan ang ginang ay naka-suhan ng murder, sa ngayon ay ini-imbestigahan ng mga pulis kung maaari ba siyang managot sa kanyang pagkaka-sala sa nasabing krimen

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation