6 na dancer na Pinay, tumakas sa kanilang pinagta-trabahuang club

Hinuli ng police ng Niigata Nagaoka City ang isang Japanese na lalaki, 66 years old, isang club owner, at ang kanyang asawang Pinay, 41 years old sa charge na pagpapa-trabaho sa kanilang mga talent na wala sa work definition ng kanilang permit, ayon sa news. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbsp6 na dancer na Pinay, tumakas sa kanilang pinagta-trabahuang club
Image: Niigata Police Station (Wikipidea)

Hinuli ng police ng Niigata Nagaoka City ang isang Japanese na lalaki, 66 years old, isang club owner, at ang kanyang asawang Pinay, 41 years old sa charge na pagpapa-trabaho sa kanilang mga talent na wala sa work definition ng kanilang permit, ayon sa news.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na simula Pebrero hanggang  kalagitnaan ng Abril, pinagtrabaho nila ang kanilang 6 na dancer na Pinay na nasa kanilang twenties bilang mga hostess kahit na walang actual na permit ang mga ito.

Nalaman ng mga pulis ang sitwasyon na ganito ng tumakas ang anim na Pinay at lumapit sa Nagaoka police para humingi ng tulong at gusto na nilang umuwi sa Pilipinas.

Napag-alaman din na kinuha ang kanilang mga passport at sila ay pinagta-trabaho sa mababang sweldo. Kasalukuyang nasa custody at facility ng Niigata prefecture ang anim na Pilipina.

Source: Nikkei.com

In this article

Other News


Join the Conversation