4 na bangkay ang nakita sa isang lumubog na sasakyan sa Port ng Kagoshima Prefecture

4 na bangkay ng hindi pa nakikilalang mga biktima ang natagpuan sa loob ng isang sasakyan na lumubog sa dagat sa Kagoshima Prefecture.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbsp4 na bangkay ang nakita sa isang lumubog na sasakyan sa Port ng Kagoshima Prefecture
Isang kotse ang itinatali matapos ma-recover mula sa dagat sa Akume, Kagoshima Prefecture nuong Lunes. (Youtube)

Nadiskubre mula sa lumubog na sasakyan sa port sa Kagoshima Prefecture ang hindi pa nakikilalang bangkay ng 3 lalaki at 1 babae nuong Lunes, ayon sa ulat ng mga pulis.

Ayon pa sa mga pulis, 2 sa biktima ay matanda na (lalaki at babae) samantalang ang 2 naman ay menor de edad pa. Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkaka-kilanlan ng mga biktima.

Ang sasakyan ay natagpuan ng isang mangingisda bandang alas-5:35 ng umaga sa port sa lungsod ng Akune, southwest na parte ng Kagoshima Coast, ayon sa local cooperative association ng mga mangingisda.

Nasa 5 dipa ang lalim ng tubig  kung saan nakita ang lumubog na sasakyan.

Maraming business na may kaugnayan sa isda at mga restaurant ang naka-paligid sa nasabing lugar.

Source: Japan Today

Image: Youtube

In this article

Other News


Join the Conversation