3 katao ang namatay sa isang sunog sa Tochigi

Sunog sa Tochigi, nag-iwan ng 3 patay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp3 katao ang namatay sa isang sunog sa Tochigi

3 miyembro ng isang pamilya ang namatay matapos masunog ang kanilang bahay sa Ichikai, Tochigi Prefecture nuong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa mga pulis at mga bombero, nakita umano ng kapitbahay na may usok at apoy na lumabas mula sa 2 palapag na bahay bandang alas-4:00 ng umaga, mula sa ulat ng Fuji TV. Inabot ng halos 1 oras ang mga bombero upang sugpo ang apoy. Nasunog rin ang katabing maliit na bahay nito.

2 katawan ng lalako ang natagpuan sa loob ng residente. Isang walang malay na ginang naman ang natagpuan sa maliit na bahay na agad na isinugod sa pagamutan kung saan kalaunan ay  binawian ng buhay. Sinabi ng mga pulis ang ang mga ito ay sila Zen Kobayashi (82), ang may-ari ng bahay, ang kanyang anak (57) at ang anak nitong babae (31).

5 ang miyembro ng nasabing pamilya. Masuwerteng naka-ligtas ang may-bahay ni Kobayashi ng walang natamong pinsala habang ang asawa ng kanyang apo ay wala sa kanilang tahanan nuong mga oras na iyon

Source: Japan Today

Image: Kyodo

In this article

Other News


Join the Conversation