Natagpuan sa isang maisan ang walang buhay na katawan ng isang Japanese national, isang babae ang pinag-hahanap ngayon bilang person of interest

Isang pilipina ang pinag-hahanap ngayon dahil sa umano'y pagkaka-sangkot nito sa pagka-matay ng isang Japanese national.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sa Pilipinas, kasalukuyang pinag-hahanap ng mga Pampanga Provincial Police ang isang babae matapos matagpuan ang bangkay ng isang Japanese national nuong nakaraang buwan, mula sa ulat ng TBS News.

Nuong Feb. 19, ang katawan ng dating guro na si Toshide Kagura, 62 anyos na residente ng Gifu Prefecture ay natagpuang wala ng buhay sa isang taniman ng mais sa munisipalidad ng Magalang.

&nbspNatagpuan sa isang maisan ang walang buhay na katawan ng isang Japanese national, isang babae ang pinag-hahanap ngayon bilang person of interest
Ang walang buhay na katawan ng Japanese national ay natagpuan sa isang maisan sa probinsya ng Pampanga nuong ika-19 ng Pebrero.

Si Kagura ay maka-ilang ulit nang pabalik-balik bilang turista sa Pilipinas nitong 3 o 4 na taong nag-daan. Nakita ang isang babae sa isang footage ng security camera sa labas ng tinutuluyan ng biktima kinagabihan bago matagpuan ang katawan nito.

Pina-niniwalaan na pina-utang ni Kagura ng malaking halaga ng pera ang babae. Sa kasalukuyan ay pinag-hahanap na umano ng mga kapulisan ang babae upang ma-imbestigahan sa naturang kaso na ngayon ay tina-tratong Murder.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

%d bloggers like this: