Isang babae ang inasulto at ninakawan umano ng isang dayuhan sa Kabukicho red-light district.

Isang lalaki na mukhang dayuhan ang pinaniniwalaang umasulto at nag-nakaw sa bag ng isang babae sa Kabukicho Red Light District.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sa Tokyo, sinabi ng mga pulis na may isang babae na ina-sulto at ninakawan sa Shinjuku Ward nuong Miyerkules ng isang lalaki na pinaniniwalaan na isang foreigner na nakilala ng biktima sa isang Dating Site, mula sa ulat ng Kyodo News.

Mga bandang alas-6 ng hapon, ang lalaki at babae ay nagkaroon umano ng pag-tatalo sa isang parking lot ng isang building sa Kabukicho Red Light District. Sinuntok umano ng lalaki sa mukha ang babae sabay hablot sa bag nito bago tumakas.

Nakilala ng biktima ang lalaki sa isang dating site na “Deai-kei” sa smartphone application. Bagamat maraming dugo sa semento ang ipinakita ng mga news sa tv, ang biktima ay nag-tamo lamang ng kaunting pinsala sa kanyang mukha at kamay.

Ang parking lot sa isang building sa Kabukicho red-light district kung saan nag away ang biktima at ang lalaki. Twitter

Pinaniniwalaang nasa edad na 30 pataas ang lalaki, at may taas na 180cm. Nuong araw ng insidente ang lalaki ay may suot umanong itim na jacket at pantalon. Sa dating site, sinabi ng huli na siya ay isang briton.

Nuong sinuri ang security camera footage, nakita ang isang lalaki na mukhang dayuhan na tumatakas paalis sa lugar kung saan naganap ang insidente. Pinag-hahanap na ngayon ng mga pulis ang nasabing lalaki upang sampahan ng kasong “Robbery resulting to injury.”

Ayon sa naunang balita, sinabi ng mga pulis na may dalang kutsilyo ang lalaki na nag-resulta sa pagkaka-sugat sa kamay ng biktima.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund