Foreign technical trainee, inakusahang nagnakaw ng mahigit 12.58 million yen na halaga ng produkto sa drugstore ng Japan

Nagsimula na ang Hukuman ng Distrito ng Fukuoka sa paglilitis ng isang 30-taong-gulang na babaeng Vietnamese na orihinal na dumating sa bansa bilang isang technical trainee. Siya ay inakusahan ng drugstore shoplifting, ang mga produkto na kanyang kinuha ay mga cosmetics, medicine, at mga damit.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: wikipedia

TOKYO

Nagsimula na ang Hukuman ng Distrito ng Fukuoka sa paglilitis ng isang 30-taong-gulang na babaeng Vietnamese na orihinal na dumating sa bansa bilang isang technical trainee. Siya ay inakusahan ng drugstore shoplifting, ang mga produkto na kanyang kinuha ay mga cosmetics, medicine, at mga damit.

Napag-alaman din na hindi lang ito ang pagkakataon na nagnakaw siya. Sinasabi ng mga imbestigador na sa loob ng 2018, siya ay nakagawa ng 38 na bilang ng shoplifting sa mga prefecture ng Fukui, Mie, Aichi at Mie, na nakanakaw ng kabuuang 2,229 na mga items na nagkakahalaga ng 6.48 milyong yen. Sinabi ng mga pulis na papasok siya sa tindahan na may malaking bag sa balikat, kung minsan ay pinupuno ito ng hanggang 150 items sa isang pasukan niya.

Ngunit kahit na ang mga kagulat-gulat na mga bilang ng pagkakataon na nakapagnakaw siya, wala ito ikumpara sa mga nadiskubre ng mga investigator para sa mga kasamahang magnanakaw ng babae. Sinabi ng pulisya na ang babae ay bahagi ng isang grupo ng anim na Vietnamese na dumating sa Japan para sa mga technical trainee program, ang limang iba pa ay mga lalaki sa pagitan ng edad na 24 at 28. Sa pangkalahatan, ang grupo ay pinaghihinalaang ng 109 counts ng shoplifting sa walong prefecture, ang target ay mga cosmetics at gamot sa botika, kinakalkula na nasa 2,229 na mga item na nagkakahalaga ng 12.58 milyong yen ang mga nanakaw nito.

Matapos ang mga pagnanakaw, sinabi ng pulis, ay susubukan ng grupo na muling ibenta ang mga item sa mga prospective na customer, lalo na ang mga gumagamit ng social media sa Vietnam.


&nbspForeign technical trainee, inakusahang nagnakaw ng mahigit 12.58 million yen na halaga ng produkto sa drugstore ng Japan

&nbspForeign technical trainee, inakusahang nagnakaw ng mahigit 12.58 million yen na halaga ng produkto sa drugstore ng Japan

Kapag napatunayang sila ay nagkasala ay mahahatulan ng pagkabilanggo at depotation.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund