2 elementary student sa Aichi Prefecture, patay matapos tumalon sa isang building

Dalawang grade 6 student patay, matapos umanong tumalon sa isang gusali.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp2 elementary student sa Aichi Prefecture, patay matapos tumalon sa isang building

Sa Toyota Aichi Prefecture, dalawang 12 anyos na batang babae ang natagpuang naka-handusay at duguan sa kalsada sa labas ng isang apartment complex nuong ika-12 ng Marso. Ang mga bata ay pumanaw kalaunan. Posibleng tumalon ang mga ito mula sa nasabing gusali, ayon sa mga imbestigador.

Ayon sa Aichi Prefectural Police ng Toyota Police Station at Fire Department, nakita umano ang 2 grade 6 student na naka-handusay sa kalsada sa labas ng isang apartment building sa lungsod ng Toyota sa Aichi Prefecture, Central Japan bandang alas-7 ng gabi. Agad na tumawag ng ambulansya ang mga karatig residente at isinugod ang 2 biktima sa pagamutan na kung saan ito ay idiniklarang wala ng buhay.

Suspetsa ng mga pulis na tumalon ang dalawa mula sa gusali, ang kaso ay kasalukuyan nang ini-imbestigahan. Nakita ang isang sulat at passages na maaaring nag-tutukoy na may pang-bu bully na naganap sa lugar na pinangyarihan.

Source: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation