Snow Hut Restaurant sa Nagano Prefecture nag-ooffer ng hot pot dining sa loob ng isang igloo

Snow Hut ng Kamakura Village sa Nagano Prefecture mabenta sa mga turista.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Snow Hut ng Restaurant Kamakura Village sa Nagano Prefecture.

Isang restaurant na nagse-serve ng hot pot dining sa loob ng isang tradisyonal na igloo-like na snow hut ay umaakit ng maraming turista mapa-lokal at mga banyaga dito sa Central Japan, kung saan malakas ang pag-ulan ng niyebe tuwing tag-lamig.

Ang “Restaurant Kamakura Village” ay nag-bubukas lamang tuwing kalagitnaan ng tag-lamig. Mayroong 22 shelter na gawa sa natural na niyebe na naka-set up sa isang palayan. May tatlong klase ng snow huts na may sukat 1.8 hanggang 3 metro kalapad at 2.5 hanggang 3 metro ang taas na maaaring mag-accomodate ng hanggang 10 tao.

Ang restaurant ay nag-aalok ng local specialty na tinatawag na “Noroshi Nabe” isang hot pot na may halong miso (fermented soybean paste) , baboy, at mga gulay. Ang hot pot ay inihahanda sa loob ng kusina upang hindi matunaw ang snow hut. Ang hot pot ay isine-serve sa isang portable stove upang mapanatili itong mainit. Ang mga snow hut ay nilagyan ng mga palamuting ilaw sa gabi upang ma-enjoy ng mga bisita ang unique landscape at kakaibang experience.

Si Nika Sakabe, 6 nq taong gulang ay mula pa sa Minato Ward sa Tokyo ay bumisita sa lugar kasama ang kanyang pamilya at ilang mga kaibigan ay nag-sabi na “Unang pagkaka-taon ko na maka-pasok sa loob ng isang snow hut. Masarap din ang mashed potato balls.”

Ang presyo ng isang adult na kakain ng hot pot ay ¥3,200 (lunch) at ¥3,700 (dinner) kada tao. Samantalang ¥1,900 (lunch) at ¥2,300 (dinner) naman kapag bata o mag-aaral sa elementarya. Kinakailangan ng reservation para dito. Para magpa-book, tumawag lamang sa Shinshu-Iiyama Tourism Bureau 0269-62-3133 (Japanese only)

Ang restaurant ay bukas hanggang ika-28 ng Pebrero. Ayon sa Bureau halos puno na ang reservation ng mga weekends.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund