Panda sa Wakayama Zoo, nakatanggap ng Valentine’s gift

Isang lalaking giant panda sa zoo sa western prefecture ng Japan ng Wakayama ang binigyan ng mga regalo para sa araw ng mga puso.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: NHK WORLD

Isang lalaking giant panda sa zoo sa western prefecture ng Japan ng Wakayama ang binigyan ng mga regalo para sa araw ng mga puso.

Si Eimei ng Adventure World sa Shirahama Town ay nakatanggap ng mga regalo mula sa mga tagapangasiwa ng zoo noong Huwebes.

Kabilang sa mga regalo ay ang hugis puso na yelo at linen na duyan na puno ng dahon ng kawayan, na may mga mensahe mula sa kawani na nakasulat sa ibabaw nito.

Si Eimei, na 70 years old sa edad ng tao, ay nage-enjoy sa bamboo shoots habang nagpapahinga sa unan.

Sinabi ng isang tao na nasa kanyang 50’s na siya ay hindi na umaasa na may magbibigay sa kanya ng valentine’s gift kaya naiinggit na si Eimei ay may natanggap.

Samantala, ang isang babaeng panda cub, na isinilang noong Agosto noong nakaraang taon sa zoo, ay nakatanggap din ng mga regalo sa pagiging anim na buwang gulang.

Nakakuha si Saihin ng slide at iba pang kagamitan sa palaruan.

Ang batang panda ay nakitang naglalaro sa slide at kumakain ng mansanas.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund