Makikita ang preview ng susunod na ice age sa pagdiriwang ng bayan ng Hokkaido

Halina at ating silipin kung ano ang mayroon sa Sounkyo Onsen Hyobaku Festival sa Hokkaido.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Hokkaido

Kamikawa, Hokkaido-  Naglalakihang sculptured ice na inilawan ng iba’t-ibang kulay ang bumighani sa mga bisitang nag-punta sa Sounkyo Gorge, na nasa paanan lamang ng Mt. Daisetsuzan.

Ang Sounkyo Onsen Hyobaku (Ice Fall) Festival ay nag-aalok ng mga magagandang oportunidad na maka-kuha ng litrato sa ilalim ng mga naglalakihang icicles sa isang ice tunnel na mayroong mahigit 110 metro ang haba. Ang loob nito ay pinalamutian ng iba’t-ibang kulay na mga ilaw.

Ang nasabing event ay nag-patunay na patok sa mga turista di lamang sa loob ng bansa kundi pati sa mga turistang banyaga. Ito ay dahil tiniis nila ang napakalamig na panahon at malakas na ihip ng hangin upang makita lamang ang 30 mahigit na ice sculpture na may iba’t-ibang laki tulad ng mga structure na similar sa igloo.

&nbspMakikita ang preview ng susunod na ice age sa pagdiriwang ng bayan ng Hokkaido

Napaka-matrabaho ang ginawa upang mabuo ito. Ito ay dahil kinakailangan na mag-pump ng tubig mula sa malapit na Ishikawa River upang i-spray sa log structure sa loob ng 2 buwan.

Ang nasabing pagdiriwang ay magtatagal hanggang ika-7 ng Marso. 300 yen lamang ang admission fee dito.

Source and Image: The Asahi News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund