Magkaibigan nang-snatch para may ipang-bayad sa Taxi

2 lalaki nag-nakaw ng bag upang may mai-pambayad sa taxi.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang 2 lalaki na inakusahang nang-agaw ng bag ng isang babae nuong nakaraang taon. Ang lamang pera sa wallet ay ginamit pang-bayad ng taxi, ayon sa TV Asahi.

Nuong Nobyembre, sina Kenshiro Shirakawa at Akihiro Okada parehong 27 anyos ay nag-sabwatan na mag-nakaw ng bag. Ang pitaka ng biktima ay nag-lalaman ng 3 lapad na cash. Ito ay pag-mamay ari ng isang 33 anyos na babae. Inagaw sa kanya ang kanyang bag habang siya ay naglalakad pauwi sa isa sa kalye ng Chiyoda Ward.

Ayon sa mga pulis, tinangka pang makipag-agawan ng bag ang biktima laban sa mga suspek. At nagiwan ito ng light head injury sa biktima.

Ang mga suspek ay magka-babata. Ang mga ito ay galing sa inuman bago nangyari ang insidente. “Ano mang-snatch tayo?” tanong ni Shirakawa kay Okada. Matapos pumayag ni Okada sa alok sinabi umano niyo kay Shirakawa na “Kailangan mo muna bumili ng gloves.”

Ayon sa mga pulis, ginamit umanong pambayad sa taxi papuntang Yokohama ang nakuhang pera ng mga suspek.

&nbspMagkaibigan nang-snatch para may ipang-bayad sa Taxi
Akihiro Okada, twitter

Nuong inaresto si Okada nitong buwan lamang ng Enero ay umamin naman ito sa mga paratang sa kanya. Gayun din si Shirakawa na nahuli nitong linggo lamang.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Otras Noticias


Join the Conversation