Isang caregiver arestado sa salang pag-patay sa isang residente ng nursing

Isang 89 anyos na ginang na nakatira sa isang nursing home pinatay at pinag-nakawan ng empleyado ng nasabing pasilidad.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

31 anyos na lalaking certified caregiver sa isang nursing home sa Yokosuka City, Kanagawa Prefecture ang inaresto sa hinalang pag-patay sa 89 anyos na ginang na residente ng nasabing pasilidad.

Sinabi rin ng mga pulis na ang suspek na si Yuki Tamura ay inaakusahan rin na nag-withdraw ng pera sa banko ng biktima sa pamamagitan ng pag-gamit ng debit card ng nito. Sinabi ng mga pulis na si Tamura ay ihinarap na sa prosekyutor nitong Sabado ay umamin na siya ay lubog sa pagkaka-utang, mula sa ulat ng Fuji TV.

Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay sinakal hanggang sa bawian ng buhay nuong ika-5 ng Enero. At nuong araw rin na yum ang suspek na si Tamura ay nag-withdraw ng ¥150,000 cash mula sa bank account ng biktima. Sinasabing mahigit 1.25 milyong yen na ang nakuha ng suspek sa account ng biktima.

Source: Japan Today

Image: Image Bank

In this article

Otras Noticias


Join the Conversation