Isang Braziliana sangkot sa carnapping, habang siya ay nag-dadalang tao

Pinupuntirya ng sindikato ang mga 25 years old Nissan Sports Car.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Yuki Nitto (Twitter)

Inaresto ng Kanagawa Prefectural Police ang isang babaeng Brazilian national na umano’y dating kasama sa carnapping syndicate bago pa nito isilang ang kanyang sanggol, mula sa ulat ng Sankei Shimbun.

Pina-niniwalaan ng mga pulis na si Yuki Nitto (39), ang asawa nito na si Mauricio (32) at isa pang suspek ay nang-carnapped ng mahigit 40 na sports car sa pagitan ng buwan ng July nuong nakaraang taon hanggang kalagitnaan ng November.

Maliban pa dito, ang mga suspek ay ina-akusahan ng mga pulis sa 2 pang kaso.

Nuong ika-1 ng Nobyembre, sa hindi nabanggit na lugar sa Hadano City, kinarnapped umano ni Yuki at ng kanyang asawa na si Mauricio ang isang passenger car. At nuong buwan ng Oktubre, kinarnapped umano ni Mauricio at nang ikatlong suspek (parehong brazilian national) ang kapaheras na sasakyan.

Kabuwanan na sa panganganak ni Yuki nuong Nobyembre. Ilang araw matapos ang umanong pag-nanakaw, ito ay nanganak na. Nuong Lunes, inaresto ng pulis si Yuki matapos maka-kuha ng apruba mula sa doktor na ang kalagayan nito ay makaka-tagal sa detensyon.

Si Mauricio at ang ikatlong suspek ay kasalukuyang humaharap sa prosekutor dahil sa pagka-sangkot sa kaso sa droga. Hinuli ng mga awtoridad ang mga suspek sa kasing carnapping matapos suriin mabuti ang mga footage ng security camera mula sa lugar ng  crime scene.

Ayon sa mga pulis, pina-bulaanan ni Yuki at ng kanyang asawa na si Mauricio ang mga aligasyon sa kanila. Samantalang, inamin naman ng ikatlong suspek ang mga paratang sa kanya.

Tina-target ng sindikato ang mga Nissan Sports Car na mahigit 25 anyos ang modelo. Dahil ang mga ganung klase ng sasakyan ay maaaring ma-import sa U.S kahit hindi naka-sunod sa alituntunin ng Federal Motor Vehicle Safety Standard tulad ng ipina-tutupad ng Department of Transportation.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund