Scuba diving Santa, ini-entertain ang mga bata sa Aquarium

Tignan ang diving Santa Claus ng Nakagawa Aquatic Park.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Scuba diving Santa Claus ng Nakagawa Aquatic Park sa Otawara City

Isang scuba diver na Santa Claus ay pinasa-saya ang mga bata sa isang Aquarium Park sa Lungsod ng Otawara, sa hilagang bahagi ng Tokyo.

Ang Nakagawa Aquatic Park ay taon-taong gumagawa ng show tuwing Disyembre.

Isang aquatic staff na naka-suot ng pulang damit at mayroong puting balbas ang magda-dive sa isang malaking aquarium tank na nag-lalaman ng mga isda mula sa Amazon at iba pang mga isda mula sa iba’t-ibang bansa.

Natutuwa ang mga bata na panuorin si Santa na lumalangoy kasama ang mga isda, isa sa mga isda rito ay ang Pirarucu mula pa sa Amazon River na may 2 metro ang haba. Ang mga bata ay nakikipag-laro pa ng Rock-Paper-Scissors sa pagitan ng makapal na salamin ng aquarium.

“Nagulat ako ng makita ko si Santa Claus na lumalangoy.” sambit ng isang ginang na may kasamang bata. Habang ang isang bata naman ay masayang nag-sabi na “Hindi na ako makapag-hintay na maka-tanggap ng regalo.”

Ang naturang show ay mag-tatagal hanggang sa bisperas ng pasko.

Source and Image: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund