Isang ginang ang nasa kritikal na kondisyon ngayon matapos masaksak sa Yokohama

Sa Yokohama, isang babae ang nasa kritikal na kondisyon matapos masaksak habang nag-lalakad pauwi.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbspIsang ginang ang nasa kritikal na kondisyon ngayon matapos masaksak sa Yokohama
Sinusuri ng mga awtoridad ang lugar kung saan sinaksak ang isang ginang nuong umaga ng linggo sa Yokohama.

Nuong umaga ng linggo sa Yokohama, isang 34 anyos na babae ang nagtamo ng malubhang pinsala matapos siyang saksakin sa likuran at tagiliran ng hindi pa nakikilalang lalaki habang ang biktima ay naglalakad pauwi.

Ayon sa mga pulis, bandang alas-3:30 ng madaling araw sa isang shopping district ng Kanagawa Ward inatake ang babaeng biktima. Base sa ulat ng Fuji TV, isang nag-dedeliver ng dyaryo ang tumawag sa 119 upang i-report na may babaeng duguan at naka-handusay sa kalasada at humihingi ng saklolo.

Sa malapit lamang naka-tira ang biktima at sinabi nito na hindi niya namukhaan ang lalaking umatake sa kanya. Ang biktima ay nasa kritikal pa rin na kondisyon hanggang linggo ng hapon.

Walang nakitang instrumentong panaksak sa lugar ng pinangyarihan ng krimen kung kaya’t pina-niniwalaan ng awtoridad na ito ay random na nanaksak lamang.

Source: Japan Today

Image: Kyodo

In this article

Other News


Join the Conversation