148
Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Update sa kaso ng lalaking natagpuang palutang lutang sa lawa sa Suzuka City.

Ayon sa ulat ng Asahi Shimbun, inilahad ng Mie Prefectural Police na ang bangkay ng isang lalaki na nakitang palutang-lutang sa isang pond sa Suzuka City nitong buwan lamang ay nag-tamo ng matinding pananakit.

Nuong ika-1 ng Oktubre, isang bangkay ng lalaki ang nakitang palutang-lutang sa Ishigaki Pond ng Suzuka City. Nakilalang si Yoshikazu Muta, 41 anyos ang lalaki. Ayon sa mga pulis, nuong oras na natagpuan ang labi ni Muta, ang ulo at mukha nito ay puro hiwa na sumusukat din ng ilang sentimetro ang haba.

Ayon pa sa pinaka-huling ulat, ipinahayag ng mga awtoridad ay lumilitaw na si Muta ay hinampas o hiniwa ng isang mapurol na bagay o sandata. May palatandaan din sa mga braso ng biktima na ito ay nang-laban sa mga suspek.

&nbspNapag-alaman na nakaranas ng matinding pananakit ang natagpuang bangkay sa Suzuka City
Isang di pa nakikilalang lalaki ang natagpuang palutang lutang sa Ishigaki Pond sa Suzuka City, Mie Prefecture nuong Oct. 1

Plano ng mgq pulis na gamitin ang resulta ng awtopsiya naisinagawa sa biktima upang matukoy ang sanhi ng pagka-matay nito.

Si Muta ay taga-Osaka City, siya ay pansamantalang naninirahan sa Mie at Aichi Prefecture dahil sa trabaho. Natagpuan sa Nagoya City ang pina-niniwalaang kotse na gamit ng biktima. Walang nakitang personal na kagamitan ng biktima sa loob nang nasabing sasakyan.

Ang kasong ito ay pina-niniwalaang Foul Play.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Otras Noticias


Join the Conversation

.
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan