Lalaki inaresto matapos mang-molestiya ng isang estudyante

Lalaking nang hipo ng isang estudyante, arestado.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Shun Kimura

Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 22 anyos na lalaki matapos paratangan ng pang-momolestiya ng isang highschool student sa Adachi Ward nitong panimula ng taon lamang, ulat ng TBS News.

Bandang alas-10:30 ng gabi nuong ika-29 ng Hunyo, nilapitan ng suspek na si Shun Kimura sa may likuran ang biktima at himaltak ang kamay nito habang ito ay papa-uwi. Ang paradahan ng bisikleta ay malapit umano sa tirahan ng suspek. Hinawakan umano ng suspek ang dibdib at ibabamg parte ng katawan ng biktima.

Ayon sa mga pulis, agad na tumakas ang suspek na si Shun nang biglang sumigaw at humingi ng saklolo amg biktima.

Kinasuhan ng Indecent Assault si Kimura at ito naman ay umamin sa mga alegasyon na ipinaratang sa kanya.

Ani nito, “Nag-hahanap ako n tipo kong babae na marumong mag-bisikleta.”

Naging person of interest si Kimura matapos mapanuod ng mga pulis ang security camera footage sa lugar.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund