111
Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Nepal National, inaresto matapos ireklamo ng pang momolestiya ng isang babae.

&nbspIsang Nepalese national, arestado matapos mang-molestiya
Shiba Neupane, Nepal National

Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang Nepalese dahil sa reklamong pang-momolestiya umano nito sa isang babae sa Taito Ward nitong taon lamang, ulat ng TBS News.

Madaling araw ng June 26,  si Shiba Neupane isang Vocational Student na naninirahan sa Akakawa Ward ay tinakot at tinula sa isang bakod ang biktima habang ito ay naglalakad papauwi sa isang kalsada na malapit JR Uguisudani station nang bigla nitong sapilitang hinalikan at hinipo sa dibdib ang babae na tinatantyang nasa 20 anyos ang edaran.

Tumakas sa lugar ng pinang-yarihan si Neupane. Samantalang ang biktima ay agad na nag-tungo sa isang police box upang i-report ang insidente.

Si Neupane ay agad naman umamin sa kanyang kamalian.  Kakasuhan naman ng kasong Indecent Assault ang suspek. Sinabi pa nito sa Shitaya Police na “nagawa ko iyun dahil sa sobrang kalasingan”.

Bago pa mangyari ang insidente, inalok umano ni Neupane ang biktima na sumama mag check-in sa hotel. Ang suspek ay naging person of interest matapos mapanuod ng mga awtoridad ang surveillance camera na ipinakitang sinusundan ng suspek ang biktima.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Otras Noticias


Join the Conversation

.
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan