149
Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ang isang government employee na nagtatrabaho para sa Ministry of Agriculture, Forestry Fisheries sa hinalang pananakit matapos makipagtalo sa isang empleyado sa isang bar.

&nbspEmpleyado ng agriculture ministry arestado sa panggugulpi ng isang bar employee
Image: Pixabay

YOKOHAMA
Ayon sa police ng Yokohama, inaresto ang isang 54-taon gulang na lalaki noong Lunes na isang government employee na nagtatrabaho para sa Ministry of Agriculture, Forestry Fisheries sa hinalang pananakit matapos makipagtalo sa isang empleyado sa isang bar.

Ang insidente ay naganap sa paligid ng 11 p.m. Linggo sa bar sa Kanazawa Ward, iniulat ng Fuji TV. Ayon sa pulisya, ang suspek, si Mitsuhiro Minami ay nakipagtalo sa empleyado ng bar dahil sa bill at sinimulang pagsusuntukin nito ang barman sa mukha at ulo. Ang empleyado ay nagtamo ng hiwa sa bibig at mga pasa sa kanyang mukha. Ang isa pang empleyado ay tumawag sa 110.

Sinabi ng pulisya na pinabulaanan ni Minami ang mga aligasyon at sabi niya na siya ay lasing at walang matandaan sa mga pangyayari.

Source: Japan today

In this article

Otras Noticias


Join the Conversation

.
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan