448
Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

26 taon na ang naka-lilipas nang huling lumaganap sa bansa ang Swine Fever. Nitong nakaraang linggo ay lumaganap ang nasabing sakit ng hayop sa prepektura ng Gifu.

&nbspTinitipon ang mga baboy ngayon sa Gifu Prefecture dahil sa pag-laganap ng Swine Fever
Gifu Prefecture

Tini-tipon ngayon ng mga opisyal ng prepektura ng Gifu sa Japan ang mga alagang baboy dahil sa pag-laganap ng Swine Fever.

Ayon sa mga opisyal, nagkaroon ng tinatantyang 80 baboy na namatay mula Lunes hanggang Sabado sa isang farm sa lungsod ng Gifu.

Base sa pag-susuring isina-gawa ng gobyerno, ang mga baboy na namatay ay naging positibo sa Swine Fever Virus o kilala din sa tawag na Hog Cholera.

Nuong Linggo ng umaga ay inumpisahan nang lipunin ng mga opisyal ang mahigit na 160 na baboy sa farm at kabilang na dito ang mga namatay na baboy dahil sa naturang epidemya. Ayon sa pahayag ng mga opisyal, tinatantyang matatapos ang kanilang trabaho ng umaga ng Lunes.

&nbspTinitipon ang mga baboy ngayon sa Gifu Prefecture dahil sa pag-laganap ng Swine Fever
Pagdi-disinfect ng isang farm sa lungsod ng Gifu.

Pansamantalang ipina-tigil ng mga awtoridad ng prepektura ang pag-aangkat ng baboy sa mga lugar na napapa-loob sa 10 km radius mula sa farm upang maiwasan ang pagkalat ng epidemya.

Nagsa-gawa na rin ng pag didis-infect ng mga sasakyang pinag-gagamitan sa mga hayop sa 5 lugar sa nasabing lungsod.

Source and Image: NHK World

In this article

Otras Noticias


Join the Conversation

.
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan