Isang lalaki patay matapos mabagok ang ulo sa company barbecue party

Hindi pagkaka-intindihan ng 2 empleyado, nauwi sa pag-panaw ng isa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Company BBQ party nauwi sa isang insidente na kumitil sa buhay ng isa nilang mang-gagawa.

Inaresto ng mga Nagasaki Prefectural Police ang 31 anyos na lalaki matapos hambalusin ang isa nitong katrabaho habang sila ay nasa company bbq party sa Unzen City nitong weekend, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun.

Bandang alas-4:20 ng hapon nuong ika-9 ng Septyembre, pinalo umano ni Yohei Araki sa mukha si Fumio Makise 36 anyos at isang part-time worker sa nasabing kumpanya. Ang pag-palo na iyun ay nag-resulta sa pag-bagsak at pag-bagok ng ulo ng biktima.

Kalaunan ay idineklara nang patay si Makise dahil sa pinsalang natamo nuong siya ay bumagsak. Ayon sa ulat ng mga pulis, ang dahilan ng pagka-matay ng biktima ay Subarachnoid Hemorrhage. Martes nang kinasuhan si Araki ng kasong Manslaughter.

Tinatantyang isang dosenang katao ang dumalo sa nasabing event, na ginanap sa ground kanilang kumpanya.

Ayon sa mga pulis, ang biktima at ang suspek ay naka-inom na ng alak bago mangyari ang insidente.

Iniimbestigahan ngayon ng mga pulis kung ano ang naging ugat ng pag-aaway ng dalawa na nauwi sa pag-panaw ng biktima.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund