Nakatakas na kriminal sa Osaka, nanghahabol umano ng babae upang mang-snatch ng bag

Ang suspect ay nagnakaw ng isang itim na motorsiklo matapos makatakas mula sa Tondabayashi police station noong Linggo ng gabi. Naniniwala ang pulisya na ang 30 taong gulang ay responsable sa ilang mga insidente ng pag-snatch ng bag isang araw matapos makatakas sa mga police.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang mga imbestigador sa Osaka Prefecture ay nagsabi na ang suspect na tumakas sa istasyon ng pulisya 5 araw ng nakalilipas ay nanghahabol ng mga kababaihan sakay ng isang motorsiklo para makapang-target ng bibiktimahin sa bag-snatching.

Image: Photostack

Sinabi nila na si Junya Hida ay nagnakaw ng isang itim na motorsiklo matapos makalabas mula sa Tondabayashi police station noong Linggo ng gabi. Naniniwala ang pulisya na ang 30 taong gulang ay responsable sa ilang mga insidente ng pag-snatch ng bag isang araw matapos makatakas sa mga police.

May report na nakarating sa mga imbestigador galing sa 2 babae na hinabol sila umano ng isang lalaki na nakasakay sa itim na motorsiklo sa Tondabayashi noong Lunes ng gabi.

Ang description na ibinigay ng kababaihang biktima sa rider na naka-itim na helmet ay tumugma sa suspect ng isa pang insidente kung saan nahablutan ng pitaka ang biktima sa kalapit na lungsod ng Habikino.

May rekord si Hida sa mga kasong pag-atake sa babae upang mahablot ang kanilang mga bag.

Bago siya tumakas sa istasyon ng pulisya, siya ay sinampahan ng kasong pagnanakaw at assault with robbery, at naaresto sa kasong attempted sexual assault.

Si Hida ay nakatakas sa pulis matapos makipag-usap sa isang abogado. Siya ay nakatakas matapos tadyakan ang isang acrylic partition na naghihiwalay sa mga detainees at mga bisita.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund