Isang preso ang naka-takas mula sa isang police station sa Osaka

Preso naka-takas mula sa istasyon ng pulis!!

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 

&nbspIsang preso ang naka-takas mula sa isang police station sa Osaka
Junya Hida, 30 taong gulang.

Isang hapon na lalaki ang nabilanggo sa salang pag-nanakaw at marami pang ibang kaso ang naka-takas mula sa istayon ng pulis sa prepektura ng Osaka.

Ayon sa mga pulis, naka-takas ang suspek na si Junya Hida, 30 taong gulang mula sa Tondabayashi Police Station nuong Linggo ng gabi.

Hinuli si Hida dahil sa salang Burglary with Injury, Theft, at marami pang iba, at nitong Miyerkules lamang ay inilabas ang kanyang pani-bagong warrant of arrest para sa salang Attempted Sexual Assault.

Napansin umano ng mga awtoridad na nawawala na ang suspek bandang alas-9:45 ng gabi, matapos makipag-kita nito sa kanyang abogado bandang alas-7:30 ng gabi sa isang visiting room sa loob ng isang detention house.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na naka-takas ang suspek mula sa pklice station nang umalis ng silid ang kanyang abogado kung saan nag-usap ang 2. Napag-alamang walang kasamang bantay ang suspek at ang lawyer habang nasa loob ng silid.

Nag-labas na sa publiko ng larawang ng suspek ang mga awtoridad. Ito ay para humingi ng impormasyon sa kinalalagyan ng suspek.

Source: NHK World

Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund