Nahaharap nanaman sa pani-bagong kaso ang amain ng 5 taong gulang na bata na pumanaw dahil sa pang-aabuso

Posesyon ng Marijuana ang pani-bagong kaso na hinaharap ni Yudai Funato, ang amain ng 5 taong gulang na bata na pumanaw dahil sa abuso at pag-mamaltrato.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mga magulang ng 5 taong gulang na bata na pumanaw dahil sa pang-aabuso.

Isang lalaki na mayroon nang hinaharap na kaso sa kasalukuyan dahil sa pang-aabuso nito sa 5 taong gulang na anak ng kanyang asawa na nag resulta sa pag-panaw ng bata ay muling kinasuhan ng mga pulis ng Possesion of Marijuana at isinumite na sa prosekyutor.

Ayon sa mga pulis, si Yudai Funato, 33 anyos ay nakitaan diumano ng ilang gramo ng pinatuyong Marijuana sa loob ng kanilang tahanan sa Tokyo nuong nakaraang Marso.

Ayon sa ulat ng mga pulis, nakita umano ang Marijuana sa loob ng bag ni Funato matapos magsa-gawa ng raid ang mga awtoridad sa kanilang tahanan nuong siya ay inaresto dahil sa suspetsang pag-mamaltrato nito sa anak ng kanyang asawa na si Yua nuong ika-3 ng Marso.

Nitong Hunyo lamang, inaresto ng mga awtoridad si Funato at ang kanyang asawa, 26 anyos, ina ng biktimang si Yua, dahil sa kasong pang-aabuso at pag-mamaltrato na nag-resulta sa pagka-matay ng bata. Ang suspek ay inaakusahan ng pisikal na pananakit sa bata, pag-mamaltrato sa pamamagitan ng hindi pag-bigay ng sapat na pagkain sa bata at hindi pag-bibigay ng medikal na atensyon sa bata.

Nuong pumanaw ang biktimang si Yua, ito ay nag-tala 12 kg lamang sa kanyang timbang, alintulad sa normal na timbang ng mga batang babae na kaedaran niya na 20 kg.

Nakita rin mg mga pulis ang kwaderno na sinulatan ng bata na nag-mamaka awa sa kanyang mga magulang na itigil na ang pananakit at pag-mamaltrato sa kaniya. Dahil sa nangyaring pag-tuklas, nag-tulak ito sa pamahalaan na mag-sagawa ng isang pag-pupulong nuong kala-gitnaan ng Hunyo upang maagang ma-aksyonan at masagip ang mga kabataang ina-abuso.

Source: Japan Today

Image: Kyodo News Plus

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund