Arestado ang isang driver matapos mabangga at mapatay ang isang 5 taong gulang na bata

5 taong gulang na bata patay, matapos mabudol ng sasakyan sa Ibaraki Prefecture.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Mito, Ibaraki Prefecture

Inaresto ng mga pulis sa Mito, Ibaraki Prefecture ang isang 39 taong gulang na ginang dahil sa reckless driving na nag-resulta sa pagka-matay ng isang 5 taong gulang na batang lalaki matapos mabagga ng minamanehong sasakyan ng ginang.

Ayon sa mga pulis, ang insidente ay nangyari bamdang alas-5:30 ng hapon nuong Miyerkules sa kahabaan ng National Highway, ulat ng lokal na media. Napag-alaman ng mga pulis na si Yuto ay nakatira sa bahay ng kanyang lolo. Ang bata ay naka-labas ng bahay, nag-laro mag-isa at nagpalakad-lakad sa kalsada nang siya ay mabangga ng minamanehong sasakyan ni Megumi Takahashi.

Agad na isinugod sa ospital ang bata kung saan naman ito binawian ng buhay.

Umamin sa nagawang krimen ang ginang at sinabi na ” Hindi ko napansin ang batang lalaki.”

Source: Japan Today

Image: Wikipedia

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund