Lalaking naka-saksak ng 3 katao at naka-patay ng 1, natagpuang patay

Nagpa-kamatay ang suspek sa pag-saksak sa 3 katao sa Yokohama.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang apartment building kung saan tumalon ang suspek upang tapusin ang sariling buhay.

Sa Yokohama, ang lalaking nanaksak gamit ang kutsilyo sa isang housing complex sa tatlong katao na nag-resulta sa pagka-matay ng isa ay natagpuang patay. Tinitignan ang angulo ng pagpapaka-matay.

Ayon sa Kanagawa Prefectural Police, ang 76 anyos na lalaki ay tumakas sa lugar ng pinangyarihan ng krimen matapos atakihin ang mga biktima bandang ala-1:35 ng madaling araw.

Isa sa mga biktima na nasa 61 taong gulang na lalaki ay binawian ng buhay. Samantalang nasa kritikal na kondisyon naman ang 61 taong gulang na ginang at 40 anyos na lalaki, asawa at anak ng pumanaw na biktima. Napag-alaman na ang mga biktima ay isang pamilya.

Kamag-anak umano ng mga biktima ang suspek. Ang huli ay tumalon mula sa rooftop ng isang apartment building, mahigit 25 kilometro ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon sa mga pulis, 2 taon ng sangkot sa  problema sa problemang pang-pinansyal ang suspek at ang mga biktima. Ito rin ay maka-ilang ulit na rin dumulog sa kanilang tanggapan.

Source: Japan Today

Image: news.tbs.co.jp

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund