Isang ina ang inaresto dahil sa tangkang pag-patay sa sariling anak.

2 taong gulang na bata, sinakal ng sariling ina.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ina na mayroong child-rearing anxiety, inaresto matapos tangkang pag-patay sa sariling anak.

Inaresto ng mga awtoridad sa Tsukuba, Ibaraki Prefecture ang isang 39 taong gulang na ginang sa suspetsang pag-tangkang pag-patay sa 2 taong gulang na anak sa jabilang tahanan.

Base sa ulat ng Fuji TV ayon sa mga pulis, sinakal di umano ni Michiko Ichikawa ang kanyang anak bandang alas-8:40 ng umaga ng Miyerkules. Matapos ang insidente, agad na tumawag ang ginang sa Tsuchiura Children’s Welfare Center kung saan nagpa-kunsullta ang huli tungkol sa kanyang ” Problema sa pag-aalaga ng bata” at nag-sabi siya na may ” hindi maganda” siyang nagawa sa kanyang anak.

Agad namang tumawag sa 119 ang nasabing pasilidad. Sa kabutihang-palad, ang bata ay buhay pa nang maabutan ng mga pulis. Dinala ito sa ospital upang suriin at nuong Huwebes sinabi na nasa ligtas nang kalagayan ang bata.

Kasamang naninirahan ni Ichikawa ang kanyang asawa at anak. Kapapasok lamang sa trabaho ng kanyang mister nang mangyari ang insidente.

Source: Japan Today

Image: Image Bank

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund