195
Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ang isang 45-taong gulang na delivery man sa pangmo-molestya ng isang babae sa kanyang apartment.

SAITAMA
Ang pulisya sa Kazo, Prefecture ng Saitama, ay inaresto ang isang 45-taong gulang na delivery man sa pangmo-molestya ng isang babae sa kanyang apartment.

Ayon sa pulisya, ang suspek na si Hideki Tamate ay nagdeliver ng isang pakete sa babae ilang araw na nakalipas, iniulat ng Fuji TV. Noong Biyernes, bandang 2 p.m. bumalik siya sa apartment at sinabi sa babae na naiwan niya ang kanyang incan sa apartment.

&nbspDeliveryman arestado sa pag-molestya ng babae
Image bank

Nang buksan ng babae ang pinto, pinilit ni Tamate na pumasok sa loob ng apartment, hinawakan ang babae mula sa likod at hinuhubaran siya, sinabi ng pulisya.

Natukoy ng pulisya na si Tamate ang suspect matapos sabihin ng babae na nakasuot siya ng badge na may pangalan. Sinabi ng pulisya na inaamin ni Tamate ang mga paratang sa kanya sinasabi nya na biglaan lamang daw siya nagkaroon ng pagnanasa sa babae.

Source: Japan Today

In this article

Otras Noticias


Join the Conversation

.
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan