Empleyado ng isang kindergarten, arestado sa pag-mamaltrato sa isang estudyante

Mga kindergarten at ilang paalagaan ng bata sa Japan, hindi nga ba ligtas?

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sa Ibaraki, isang 37 anyos na babae na nag-tatrabaho sa isang Kindergarten sa Koga, Ibaraki Prefecture ang inaresto ng mga pulis sa suspetsang pag-mamaltrato sa isang 5 taong gulang na batang lalaki, sabi ng mga awtoridad.

Ayon sa mga pulis, hinawakan umano ni Yuka Yamanaka ang bata sa braso nito at kinaladkad mula sa kinauupuan nito palabas ng silid-aralan hanggang sa pasilyo ng paaralan nuong Huwebes ng umaga, ulat ng Fuji TV.

Ang insidente ay nakita umano ng isa pang empleyado ng naturanv paaralan at agad na ipinag-bigay alam sa mga pulis.

Walang namang natamong anumang pinsala sa katawan ang batang lalaki, sabi ng mga pulis. Itinanggi umano ni Yamanaka ang paratang sa kanya.

Source: Japan Today
Image: Image Bank
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund