Fuji Shibazakura Festival 2018

Ito ay isa sa mga pinakamahusay at pinaka-popular na lugar nationwide upang masilayan ang shibazakura

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang Fuji Shibazakura Festival ay isa sa mga pinakamahusay at pinaka-popular na lugar nationwide upang masilayan ang shibazakura (pink moss o phlox moss sa Ingles).

Ang lugar ng pagdiriwang ay matatagpuan mga tatlong kilometro sa timog ng Lake Motosuko sa lugar ng Fuji Five Lakes, ito ay nag-aalok ng mga nakamamanghang tanawin ng malawak na field ng shibazakura, na may Mount Fuji sa backdrop na malinaw na makikita kapag maaliwalas ang panahon.

&nbspFuji Shibazakura Festival 2018
May 800,000 stalks ng shibazakura na may limang varieties na naka-display.

Ang pinakamahusay na oras upang makita ang mga bulaklak ay nag-iiba depende sa taon ngunit kadalasan ay natutuon ito sa unang tatlong linggo ng Mayo. May humigit-kumulang 800,000 na stalks ng shibazakura na may limang varieties ang naka-display, na nagre-resulta ng kagiliw-giliw na mga field na kulay-rosas, puti at iba’t-ibang hue ng purple.

May mga festival stalls na nagbebenta ng pots ng pink moss, shibazakura-themed souvenirs, pagkain at local produce para mas maging completo ang lugar.

Ang venue ng Fuji Shibazakura Festival ay malamang mapupuno ng tao dahil sa sobrang kasikatan ng lugar, mas mainam na iwasan pumunta tuwing sabado at linggo o di kaya tuwing mahabang holiday katulad ng Golden Week. Mas mainam din na pumunta ng mas maaga upang maiwasan ang siksikan, subalit ang pinaka-magandang oras para sa lighting ng pagkuha ng litrato ay tuwing hapon.

Impormasyon:

Fuji Shibazakura Festival (富士芝桜まつり, Fuji Shibazakura Matsuri)

  • Abril 14 hanggang Mayo 27, 2018
  • Horas: 8am hanggang 5pm
  • Admission: 600 yen
  • Official website: Shibazakura Festival (Japanese at English)

Tignan ang lokasyon ng mapa sa ibaba:

Source: Japan Guide
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund