Aktor sa “Kamen Rider” muling inaresto dahil sa pang-momolestiya ng babae

Aktor arestado matapos mang-hipo ng babae

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Muling inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang 30 anyos na aktor sa T.V Series na “Kamen Rider” dahil sa pang-momolestiya ng babae sa ikalawang pagkakataon sa Setagaya Ward nuong nakaraang buwan, mula sa ulat ng Jiji Press (April 6,)

Sa ikalawang bese, si Tsunenori Aoki, 30, lumalabas bilang si Ryoma Sengoku sa T.V Series na “Kamen Rider Gaim” ay itinulak di umano ang isang babaeng nasa edad na 30 anyos sa kalsada sa Taishido Area bandang ala-1:30 ng madaling araw nuong ika-4 ng Marso. Matapos nito, inilagay umano ni Aoki ang kanyang kanang kamay sa loob ng palda ng babae.

Tsunenori Aoki

Pangalawang beses nang ini-reklamo si Aoki ng Attempted Indecent Assault. Sinabi ni Aoki sa mga pulis sa Setagaya Police Station na siya ay lango sa alak at walang natatandaan sa mga nangyari.

Nuong ika-5 ng Abril, ang unang beses na hinuli ng mga pulis si Aoki dahil sa pang-momolestiya rin sa isang babae sa parehong oras at lugar na nag-resulta sa reklamong Indecent Assault resulting Injury.

Naging Person of Interest sa mga pulis si Aoki matapos mapanuod ang isa sa mga kuha ng isang Security Camera Footage sa nasabing lugar. Pinag-hihinalaang sangkot rin si Aoki sa insidenteng nangyari sa iba pang mga babaeng biktima nuong araw ding yun.

Source and Image: Tokyo Reporter
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund