180
Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

2 bangkay pa ang natagpuan ng mga pulis nuong Linggo matapos maaresto ang isang lalaki dahil sa pag-patay sa 3 katao sa Kagoshima Prefecture.

2 bangkay pa ang natagpuan ng mga pulis nuong Linggo matapos maaresto ang isang lalaki dahil sa pag-patay sa 3 katao sa Kagoshima Prefecture.

Ayon sa mga pulis, ang suspek na si Tomohiro Iwakura (38), ay nag-sabi na 5 katao ang kanyang pinatay. Ang 2 sa kanyang biktima ay pinaniniwalaang isang 68 anyos na lalaki (Ama) at 89 anyos na babae (Lola) na kasamang naninirahan ang 3 pang biktima na nakitang patay sa loob ng kanilang pamamahay nuong Biyernes.

Ang 2 bangkay na nakitang naaagnas na ay natagpuan sa naka-libing sa kagubatan sa lungsod ng Hioki, base sa nakuhang impormasyon mula kay Iwakura, ani ng mga pulis. Karagdagan sa 3 biktima ay ang 2 biktima na lalaki at babae. Patuloy ang pag-sagawa ng imbestigasyon para matukoy ang pagkaka-kilanlan ng mga biktima.

&nbsp2 bangkay pa ang natagpuan, kabilang ito sa Kagoshima Murder
(NHK)

Sinabi umano ng suspek na “Pinatay ko ang 5 katao sa loob ng bahay!”

Sinabi rin umano ng suspek na dinala niya sa kagubatan ang 2 bangkay gamit ang isang kotse. Ang bahay ay 400 metro lang ang layo mula sa pinag-kitaan sa mga bangkay.

Dinala ng mga pulis ang suspek sa prosekyutor nuong Linggo.

Si Iwakura, na nakatira malapit sa bahay ng mga biktima ay inaresto nuong Sabado dahil sa pag-sakal kay Hiroyuki Goto (47) sa loob ng pamamahay nito nuong Biyernes ng hapon.

Pinaniniwalaan ng mga pulis na pinatay ang 3 biktima kasama si Goto nuong binisita nila ang bahay ng biktima, matapos paki-usapan ng tiyuhin ng biktima na tignan ito matapos hindi magpa-kita ang suspek sa kanyang trabaho nuong mga nag-daang mga araw.

Si Goto ay nakatira malapit sa bahay ng suspek. Ang 2 pang biktima ay pinaniniwalaang asawa ng tiyuhin at kapatid ng suspek.
Nakita sa autopsiya na isinagawa nuong linggo na ang asawa ng tiyuhin na si Takako Iwakura (69) at Kuniko Sakaguchi (72) ay namatay dahil sa pag-sakal.

Source: Japan Today
Image: NHK
In this article

Otras Noticias


Join the Conversation

.
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan