Isang hosto ang dinakip ng pulis dahil sa pag-asulto sa kanyang kasintahan

Ginulpi ng isang lalaki ang kanyang nobya dahil sa ¥615,000 na bill sa Club.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng mga pulis sa Tokyo ang isang 21 taong gulang na lalaki, isang mag-aaral sa unibersidad, na nag-tatrabaho bilang isang hosto sa isang club sa Kabukicho District sa Tokyo sa hinalang pag-asulto sa kanyang kasintahan.

Binalita ng Fuji TV na ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, pinapunta umano ni Yusuke Sakai, isang 2nd Year sa Hosei University ang kanyang 19 taong gulang na girlfriend sa kanyang tirahan sa Shinjuku Ward sa Tokyo nuong March 1, at duon ay pinag-susuntok sa braso at mukha ang babae.

&nbspIsang hosto ang dinakip ng pulis dahil sa pag-asulto sa kanyang kasintahan

Bago mangyari ang insidente, pumunta umano ang girlfriend ni Sakai sa pinag-tatrabahuhang club bilang costumer, nag-bill umano ng mahigit ¥615,000. Matapos na hindi mabayaran ng babae ang nasabing halaga, tinakot umano ni Sakai ang babae at sinabi na “ Hindi kita patatakasin. Ipapakita ko sayo ang impyerno!”

Umamin naman sa nagawang krimen ang suspek, ayon sa mga pulis.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund