252
Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Anak ibinalot sa kumot at isinilid sa kabinet upang patahanin umiyak at patulugin natagpuang wala ng buhay.

Hinuli ng mga pulis sa Osaka ang isang 24 anyos na lalaki nuong Linggo dahil sa suspetsa na pag-mamaltrato sa bata, matapos niyang ibalot sa kumot ang kanyang 1 taong gulang na anak na babae at isilid sa loob ng kabinet ng 4 na oras. Nawalan ng malay ang bata at tuluyan ng binawian ng buhay.

Base sa ulat n g Fuji TV, ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, ibinalot ni Ryuma Konishi, isang Taxi driver ang kanyang anak na si Maria sa kumot at isinilid sa loob ng kabinet sa kanilang tahanan sa Kita Ward bandang alas-10 ng gabi nuong Biyernes. Ani umano ng suspek, iyak ng iyak si Maria kung kaya’t na isipan niyang isilid sa loob ng kabinet upang ito ay maka-tulog.

&nbsp1 taong gulang na batang babae ang natagpuang wala ng buhay sa loob ng kabinet
Sabi ng ama ng bata, gusto lamang niyang patahimikin at patulugin ang bata (illustrative image)

Bandang alas-3:30 ng madaling araw ng Sabado, gumising siya at tinignan si Maria. Hindi na humihinga ang bata, kung kaya’t agad siyang tumawag sa 119. Agad naman na dinala sa pagamutan ang bata ngunit kinumpirma ng mga doktor na ito ay wala ng buhay. Dahilan ng pagka-matay, nahirapan sa pag-hinga.

Itinanggi umano ni Konishi sa mga pulis na sinadya niya ang nangyari sa kanyang anak, nais lamang daw niya na patahimikin ang kanyang anak at patulugin na.

Ang 26 anyos na asawa ni Konishi ay kasalukuyang naka duty na pang-gabi sa kanyang trabaho, samantalang tulog naman sa kabilang kwarto ang kanilang 2 taong gulang na anak na babae.

Source: Japan Today
Image: Bank Image
In this article

Otras Noticias


Join the Conversation

.
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan