355
Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sinaksak ng lalaki ang babae na kanyang karelasyon ng ilang beses sa likod at tiyan sa kanyang bahay.

Inaresto ng police sa Togane, Chiba Prefecture, ang isang 23-year-old na miyembro ng Japan Ground Self-Defense Force sa suspetsang pagtanka na patayin ang isang 19-year-old na babae.

Ayon sa police, bandang alas-7 ng gabi noong linggo, si Masaya Yoshimura, na naka-assign sa Obihiro base ng GSDF sa Hokkaido, ay pinagsasaksak ang babae na karelasyon nito ng ilang beses sa likod at tiyan sa kanyang bahay, iniulat ng Fuji TV.

Sinabi ng police na si Yoshimura ay patakas na tumakbo galing sa kanyang bahay. Tumawag ang tatay ng babae sa police at nakita nila si Yoshimura na naglalakad sa kalye mga 1.5 kilometers ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen. Bago pa man ma aresto si Yoshimura ay tumawag na siya sa 110 at sinabi nya na may nasaksak siya.

Ang babae na isang vocational school student, ay idinala sa hospital at nasa stable na kundisyon noong Lunes.

Isang spokesperson ng GSDF base sa Obihiro ay sinabi na si Yoshimura ay naka-leave noong Dec 22 hanggang Jan 5 ngunit hindi ito nakapasok noong Jan 6.

Source: Japan Today
Image: News TBS
In this article

Otras Noticias


Join the Conversation

.
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan
Jobs in Japan