Elementary schools sa Japan, maaaring bumaba ang bilang ng two thirds

Edukasyon: public elementary at junior high schools sa Japan maaaring bumaba ang bilang ng two thirds. See more.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspElementary schools sa Japan, maaaring bumaba ang bilang ng two thirds

Batay sa isang bagong pagsusuri, ang bilang ng public elementary and junior high schools sa Japan ay maaaring bumaba ang bilang ng two-thirds keysa sa kasalukuyang bilang pagdating ng 2050, dahil sa pagbaba ng populasyon.

Ang projection ay ginawa ni Professor Yuji Nemoto ng Toyo University, na nagsasagawa ng research tungkol sa kinabukasan ng mga pampublikong pasilidad.

Tinutukoy ng mga alituntunin ng gobyerno kung aling mga paaralan ang dapat konsolidahin upang mapanatili ang bilang ng mga estudyante sa bawat eskwelahan. Si Nemoto ay nagsagawa ng isang simulation upang makita kung gaano karaming mga pampublikong paaralan ang mananatili pagdating ng 2050 kung  magpapatuloy ang prosesong ito.

Nadiskubre na ang kabuuang bilang ng mga paaralang elementarya ay bumababa ng bandang 6,500 mula sa 19,800 sa 2016. Ipinakita niya din ang magkaparehong bilang ng pagbaba ng mga junior high school, na bumabagsak sa 3,100 mula 9,500 sa 2016. Sa may pinaka-mababang populasyon na prefecture sa Japan, katulad ng Shimane, hinulaan niya na bababa ang bilang ng mga paaralang elementarya ng sampung beses sa kung ano ito ngayon.

Ang Tokyo ay kasalukuyang nakararanas ng patuloy na paglago sa populasyon ng mga bata. Ngunit itinataya ni Nemoto na ang bilang ng mga pampublikong paaralang elementarya sa kabisera ay bababa din ng halos kalahati.

Ang pagpapatatag ng mga pampublikong paaralan ay kinakailangan kapag ang populasyon ng Japan ay bumababa.

Ayon sa kanya, ang mga paaralan ay maaaring magpatuloy na maglingkod sa mga sentro para sa kanilang mga komunidad kung sila ay itinayo sa tabi ng iba pang mga pampublikong pasilidad para sa lahat ng edad, tulad ng mga library, childcare at nursing facility.

Sinabi ni Nemoto na ang hinaharap ng mga paaralan ay isang problema na makakaapekto sa lahat ng tao sa Japan.

Font: NHK Image: Image Bank
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund