Tokyo, 3 patay dahil sa away pamilya

Away pamilya nagiwan ng 3 patay at 1 sugatan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Hinihinalang nag mula sa away ng pamilya ang sanhi ng pagkamatay ng isang chief priest sa isang lumang Shinto shrine sa Tokyo. Dalawa sa sumalakay ay namatay habang mayroon pang isa na malubhang nasugatan.

Inatake ng mga sumalakay si Gng. Nagako Tamioka, 58 anyos at pinunong pari ng Tamioka Hachimango Shrine habang pababa ang biktima mula sa kanyang sasakyan sa Koto Ward nuong Huwebes. Ang drayber ng sasakyan ay nagtamo ng malubhang mga sugat mula sa nasabing pag-atake.

Agad na sinugod sa pagamutan ang dalawa ngunit maka-raan ang ilang oras ay binawian ng buhay ang nasabing pari.

Hinihinala ng mga police na may kinalaman sa pag-atake ang naka-babatang kapatid ni Gng. Tamioka at ang babaeng kasama nito. Ang dalawa ay nakitang duguan at naka-higa malapit sa lugar ng pinagyarihan. Makaraan ang ilang oras ay binawian na rin ng buhay ang dalawa.

Hinala ng mga police, ay pinatay ng lalaki ang kasamang babae at saka nagpaka-matay matapos ang atakeng ginawa sa kanyang nakakatandang kapatid.

Isang duguang Japanese sword at survival knife ang natagpuan malapit sa lugar ng pinangyarihan.

Source and image: NHK
In this article

Other News


Join the Conversation

.
EASY CAR RIDE
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
EASY CAR RIDE
brastel
Flat
TAX refund