105
Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Buwis ng sigarilyo, tataas na naman!

Ipinag-bigay alam ng gobyerno ng Japan na ipinatutupad ang planong koalisyon sa pag taas ng buwis ng sigarilyo, nuong lunes. Ang halagang itataas ay 3 yen kada isang sigarilyo.

Upang maiwasan ang biglaang pag-bagsak ng benta dahil sa potensyal na pagbaba sa konsumo ng  nasabing produkto, ang plano ay ipatutupad sa pamamagitan ng pag- taas ng isang yen sa loob ng apat na taon na mag-sisimula sa taong 2018.

Kamakailan, marami-rami na rin ang gumagamit ng heat-not-burn na sigarilyo kung-kaya`t plano rin ng gobyerno at ng iba pang sangay ng pamahalaan na taasan ang buwis ng nasabing produkto..

Ang produktong nabanggit ay mag-kakaroon ng mas mababang buwis kaysa sa regular na sigarilyo. Ang mga detalye ukol rito ay tatalakayin sa ibang pagkakataon.

Ang pag-taas ng buwis ng sigarilyo ay makakasama sa reporma ng buwis para sa taong 2018, na inaasahang mangyari sa ika-14 ng Disyembre.

Huling tinaasan ang buwis ng sigarilyo nuong Oktubre taong 2010 ng 3.5 yen kada sigarilyo. At sa kasalukuyan, ang buwis kada isang sigarilyo ay pumapatak na nasa 12.2 yen.

Source: Jiji
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation